"Unang lahok, isa ring pagsubok" inilathala noong 29 Mar 2023 --- Maano ka daigdig? Matagal ko na talagang nais kumawala sa pain nang manga hatirang pangmadla kung tutuusin. Hindi naman sa hindi ako maalam sa paggawa nang websayt, kabaligtaran pa nga. Kundi ako ay lubhang hindi nagaganyak na gumawa. Isang pagsubok sa aking pagtitiis, sa aking pagsusumikap. Nguni't nakalipas na iyon sa loob nang isang buong taon. Naririto na nga ang bunga nang matagal na pagbabalak at paghihintay. Ang una kong tala: umiiral na nga! (Ngayon ko lang napansin, kay bilis pa lang lumaki nito.) -- A1